di maintindihan
Ano ba tong nangyayari?
Di maintindihan ang sarili
Naiinis na di mawari
Tuliro ngunit di mapakali
Di makatulog sa kaiisip
Sa isipan ko ay di ka mawaglit
Maya’t maya ikaw ang nagiging laman ng isipan
Pakiramdam ko ngayon ako ay nabubuang
Nangungulila sayo
Kailangan ko ang pag-ibig mo
Nangungulila sayo
Kailangan kita sa buhay ko
Napakalungkot ng araw pagwala ka
Pakiramdam ko ay pinagsakluban ng langit at lupa
Walang ibang nais kungdi makasama ka
Ang lungkot ay naglalaho pag andyan ka na
Pwede bang wag mo akong ngitian
Dahil naglalaho lahat ng inis na aking nararamdaman
Pwede bang wag mo akong tawanan
Dahil nakakalimutan ko ang iyong mga kasalanan
Naaadik ako sayo
Ikaw ang kahinaan at kalakasan ko
Adik na ako sayo
Dahil puso ko ay nabihag mo
All comments are moderated. Your comments will not appear here unless approved by the blog owner. Thank you.